Advertisers

Advertisers

Van vs motorsiklo: 2 nasawi, 8 SK officials sugatan

0 29

Advertisers

NASAWI ang dalawang driver na nagmamaneho ng motorsiklo at Nissan Urvan habang walong Samahang Kabataan (SK) Youth Leaders na galing ng seminar sa Siargao, Surigao Del Norte ang sugatan, sa Barangay 2 Poblacion Alaminos, Laguna nitong Lunes ng gabi, January 20, 2025.



Kinilala ang dalawang nasawi na sina Edward Ruello, residente ng Calamba City, driver ng motorsiklo; at ang driver ng van si Rolly Collantes, ng Tabaco City, Albay; habang sugatan sina John Philip Borais, 25 anyos, SK Chairman ng Brgy. San Vicente; Rommel C. Carullo, 21; Aira Mae Cena, 20; Ailyn Borbe SK councilors ng Brgy. Buhian; Joseph Beren, 24, SK Treasurer; Aristedes Sajuela, SK Secretary, 31; Dariel John Bos Almonte, SK Chairman, 25; at Joven Borbe, 21, SK Councilor na pawang taga-Brgy. Mariroc ng Tabaco City, Albay.

Ayon sa report ni Alaminos Chief of Police, Major Abelardo Jarabejo III, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van sa kurbadang daan at kinain ang kabilang linya kaya nasalpok ang motorsiklo na patungo sa direksyon ng Sto. Tomas City, Batangas.(Koi Laura)