Advertisers
Ipinahayag ni Mayor Along Malapitan na maliban sa oportunidad na magkatrabaho ang mga lolo at lola, maaari na rin silang mag-enroll sa libreng skills training sa lungsod ng Caloocan.
Tumatanggap na ang Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC) ng mga senior citizen na nais mag-aral ng iba’t-ibang kurso tulad ng dressmaking, basic computer operations, culinary, massage treatment, housekeeping, basic welding, at marami pang iba.
“Basta kailangan lang po kaya ng inyong katawan ang inyong kursong papasukan at determinado kayo na matapos ang mga kurso na tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan,” wika ni Malapitan.
“Inuulit ko po na libre ito at umaasa ako na magiging dagdag oportunidad ito para sa ating mga lolo at lola na nais magkaroon ng dagdag kaalaman,” pahayag ni Along.
“Sabi nga po nila, numero lamang ang edad. Alam ko na marami pa sa ating mga lolo at lola ang nais magtrabaho at nais na may pagkaabalahan kaya nagbubukas po tayo ng pantay na oportunidad para sa lahat.”
On going na ang enrollment para sa libreng skills training sa CCMTC at bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Maaaring mag-enroll ang 17 years old pataas.
Dalhin po ang mga sumusunod na requirements:
– Senior Citizen ID
– Marriage Certificate (for female only)
– Barangay Clearance
– Voter’s ID
– Cedula
– 1×1 Picture (2 pcs)
– Brown Envelope (Long)