Advertisers
TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil na malabong ma-promote ang mga pulis na mapapatunayang nagpagamit sa politiko sa halalan.
Sinabi ito ni Gen. Marbil upang makamit ang tiwala at respeto ng taumbayan sa mga pulis.
Kasabay nito, sinabi ni General Marbil, na makikipag-ugnayan sila sa national security council at national intelligence coordinating agency hinggil sa naturang panuntunan.
Ituturing anyang “Goons” ang sinumang pulis na makikisawsaw sa halalan kasunod ng kanilang kampaniya laban sa “guns, gold” at “fake news.”