Advertisers

Advertisers

‘Chinese spy’ kasal sa Pinay

0 29

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na natagpuan nila ang detalye ng umano’y Chinese spy na nang-eespiya sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ng Pilipinas.

Ibinahagi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na sa kanilang pagsisiyasat ay natuklasang ang 39 taon gulang na Chinese national ay may rekord na ng paglabas-pasok ng bansa simula pa 2015.

Nalaman ding kasal ito sa isang Pinay.



Ayon kay Commissioner Viado, ibinahagi na nila ang mga impormasyong ito sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para suportahan ang isinasagawa nilang imbestigasyon.

Kaugnay nito, magsasampa rin, aniya, ng deportation case ang BI laban sa umano’y espiya. Nilinaw ni Viado na walang deportasyong magaganap hangga’t hindi nalulutas at napagdusahan ang mga ipinataw sa kanya.