Advertisers

Advertisers

DFA: Pinalayang 17 Pinoy seafarers balik-Pinas na

0 8

Advertisers

DUMATING na nitong Huwebes ng gabi sa bansa ang pinalayang 17 Filipino seafarers, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Jose de Vega, ang 17 na tripulante ng MV Galaxy Leader ay lumapag sa NAIA alas-9:30 p.m. mula sa Oman.

Labing apat na buwan silang binihag ng Houthi rebels sa Somalia kasama ang walong iba pang tripulante ng naturang cargo vessel.



Kinumpirma nitong Huwebes ng umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalaya sa mga tripulanteng Filipino.