Advertisers
Naigsugod pa sa ospital ang 2 grade-8 na estudyanteng nasawi matapos malunod sa Laguna Lake kahapon sa Binangonan Rizal.
Sa ulat ng Binangonan PNP, dakong 4:40 ng hapon ng masagip ng magkakasanib na pwersa ng pamahalaan ang 2 biktimang 15-anyos na sina alyas Marko at Vincent kapwa 15-anyos at residente ng Pasig. City.
Sa inisyal na ulat, naglaro umano ang magkaibigan sa gilid ng Laguna Lake sa Brgy. Libid sa lugar.
Nang bigla umanong madulas ang biktimang si Vincent na agad namang nakapitan ni Marko.
Dahil dito, kapwa nahulog sa lake ang mga biktima at hindi na ito lumutang kaya’t agad na humingi ng saklolo ang ilang bystander sa awtoridad.
Agad nasagip ang mga biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit ideneklarang dead on arrival. (EDWIN MORENO)