Advertisers
PINABULAANAN ng Malakanyang ang alegasyon na hinaharang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi maaaring diktahan ng ehekutibo ang co-equal branch of government.
Nilinaw ni Bersamin na ang naunang pahayag ni Pangulong Marcos tungkol sa impeachment ay opinyon lang nito.
Natanong kasi anya ang Pangulo kung pabor ito sa impeachment na hindi niya maaaring direktang sagutin dahil ang impeachment process ay prerogative ng Kongreso.
Ayon kay Bersamin, maaaring ang naiisip ni Pangulong Marcos ay makakaabala lang ito sa pag-usad pero hindi nya naman ito sinasabi sa Kamara.
Dagdag pa ng Executive Secretary, kung magdesisyon ang mga mambabatas na ituloy ang proseso ng impeachment, walang paraan para harangin ito.
Sa kabilang dako, tahasang inakusahan ng Makabayan Bloc si Pangulong Marcos na siya umano ang dahilan kaya naaantala ang proseso ng tatlo na inihaing impeachment complaints laban kay VP Sara.
Nagpasaring din si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na posibleng may ika-apat pa na impeachment complaint na ihahain sa Kamara bago muli mag-break ang Kongreso.