HWPL, DepEd Cavite nanguna sa makasaysayang pagtitipon para sa kapayapaan, nagdiwang ng ika-11 anibersaryo ng Peace Day sa Aguinaldo Shrine
Advertisers
Matagumpay na ipinagdiwang ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang internasyonal na samahang pangkapayapaan, at ng Department of Education Schools Division Office of Cavite – Kawit Sub-Office, ang ika-11 anibersaryo ng January 24th HWPL Peace Day sa Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite.
Ginugunita ang Enero 24 HWPL Peace Day na idineklara ng Lalawigan ng Maguindanao taun-taon simula ng magawa ang Mindanao Peace Agreement ng mga lokal na pamahalaan at pinuno ng mga grupong sibil noong Enero 24, 2014. May temang, “Honoring Our Heritage, Uniting for Global Peace: Empowering the Youth to Champion the DPCW Towards a War-Free World,” pinagtipon-tipon ng kaganapang ito ang may 8,000 kalahok kabilang ang mga guro, magulang, mag-aaral, opisyal ng pamahalaan at seguridad para sa isang malakihang Peace Walk na pumarada sa Tanggulan Street at Tirona Highway.
Layunin ng selebrasyong ito na palaganapin ang pagkakaisa, bigyang dangal ang iisang kulturang pinagmulan, at makakuha ng suporta para sa Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) sa pamamagitan ng isang Thumbprint Flag na ginawa ng mga mag-aaral mula sa 13 paaralan sa Distrito ng Kawit.
Isang dokumento ang DPCW na naglalaman ng 10 artikulo at 38 talata na nag-aadbokasiya ng international cooperation, conflict resolution, at sustainable peace.
Nananawagan ang HWPL sa mga mambabatas na suportahan ang dokumentong ito na magsisilbing roadmap para sa kapayapaan sa mundo, sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa United Nations. Bukod sa mga bansa, intergovernmental organizatioons, mga global leader at indibidwal sa buong mundo, nagawa rin ng DPCW makakuha ng resolusyon mula sa Cotabato City, Munisipalidad ng Kapalong sa Lalawigan ng Davao del Norte, at Lungsod ng Davao.
Sa ipinadalang mensahe ni HWPL Chairman Lee Man-hee, sinabi niya: “Within each of our hearts gathered here today, there are blooming flowers of peace. To ensure that these flowers of peace never wither, what must we do moving forward? How can we continue to sustain the history of peace in the Philippines eternally? The answer lies in education. Education is a powerful tool that nurtures the minds and hearts of individuals while instilling the values of love and harmony.”
Layunin ng HWPL na ituon ang pansin nito sa pagpapalganap ng kultura ng kapayapaan sa pamamagitan ng HWPL peace education sa bawat bansa at makapagtatag ng mga peace club upang maging tuntungan ng mga kabataan para maging mga peace ambassador ng mga bansang ito.
Isang mahalagang lugar ang Aguinaldo Shrine sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang lokasyon kung saan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas. Sa pagdaraos ng selebrasyon ng Peace Day sa lugar na ito, nagsisilbing tulay ang kaganapang ito sa nakalipas at sa kasalukuyan, kung saan kinikilala ang mga sakripisyo ng mga nakipaglaban para sa kalayaan habang tinitingnan ang hinaharap na wala nang digmaan at tunggalian.
Kaugnay ng Peace Day anniversary celebration, nagasagawa rin ang HWPL sa pamamagitan ng youth wing nito, ang International Peace Youth Group (IPYG), na nagsagawa ng Youth Empowerment Peace Class nitong nakaraang Enero 14-15, kung saan binibigyan ng kasangkapan at inspirasyon ang may 130 Peace Club Officers upang maging aktibong peace advocates. Isinagawa rin ang oath-taking ng mga opisyal na kabataang ito sa programa ngayong araw na ito.
Sa aktibidad na ito isinulat ng isang mag-aaral sa ika-5 Baitang na si Erhieca Francais Caccam, ng Batong Dalig Elementary School sa Kawit, Cavite ang isang bukas na liham para kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Even though the world has many problems, I believe we can solve them if we listen to each other and work together. I think the Philippines can show other countries how people can love peacefully and help each other no matter what their differences,” saad ng ilang bahagi ng kaniyang liham.
Binibigyang-halaga ng tema ngayong taon ang kahalagahan ng pamana at youth empowerment upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan. Ipinapakita ng aktibong partisipasyon ng mga guro at mag-aaral ang kapangyarihan ng edukasyon upang hubugin ang isang mapayapa at nagkakaisang global community. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mas malalim na pagtanggap sa iisang kasaysayan at sa pagkuha sa mga kabataan bilang champions ngDPCW, nilalayon ng kaganapang ito na makakuha ng malawakang suporta para sa isang mundong walang digmaan.