Advertisers

Advertisers

ANG POST NI MARIKIT

0 14

Advertisers

MAGANDANG mabasa ng lahat ang post ni Arian Jane Ramos alias Marikit na dating miyembro ng Communists Party of the Philippines at New People’s Army. Ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga paragraph na naisulat.

Sa loob raw ng maraming taon, ang mga samahan at organisasyon na kasangkot sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay laging ipinamumukha na sila ang mga biktima ng karahasan at ng “red-tagging.”

Mismong si Marikit na, ang nagsabi rin bilang dating rebelde, na wala at di totoo ang red-tagging kapag ang isang indibidwal o grupo ay tinatawag na mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF.



Dahil yon kay Marikit, ang ginagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o’ NTF-ELCAC ay paglalahad lamang ng mga masasamang gawain ng CPP-NPA-NDF upang protektahan ang bayan at mga mamamayan nito.

Ang Philippine Revolution Web Central, sabi ni Marikit, ay siyang nagsisilbing taga-pagsalita ng CPP-NPA-NDF at ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso ay iisa at laging nagsasabi ng mga kasinungalingan sa taong bayan. Ito ay para palabasin na masama ang sistema ng ating pamahalaan.

Ang mga ito rin daw ang tumawag sa kanya ng ‘taksil’ ng siya at si Ida Marie Montero a.k.a.Mandy ay lumisan at tinalikuran na ang CPP-NPA-NDF.

“These baseless accusations are not just laughable but also legally questionable, potentially violating the Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175). Publicly smearing individuals without evidence tramples on the presumption of innocence and the constitutional right to honor and dignity,” paliwanag ni Marikit sa kanyang post.

“In these challenging times, it is essential to recognize and validate the truth of former rebels who have turned towards peace and nation-building. Are their testimonies to be disregarded simply because they do not align with the narrative of Makabayan bloc? It is vital that our legal and social efforts move forward in a way that does not diminish the integrity of those who have chosen a different path, ensuring that justice is both fair and comprehensive for all,” dagdag pa ng dating rebelde.



Yan si Ka Marikit, alam at namulat ang kaisipan na walang ‘wenta’ talaga ang kilusang kanyang nasalihan noon. Kaya naman ngayon ay kasama na ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga tamang impormasyon sa kahayupan ng CPP-NPA-NDF at mga kaalyadong organisasyon nito tulad ng Makabayan Bloc.