Advertisers

Advertisers

ENERO 27 IDINEKLARA BILANG MUSLIM HOLIDAY

0 18

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malacañang na idineklara bilang holiday ang Enero 27 (Lunes) para sa mga Muslim bilang paggunita sa Isra Wal Mi’raj o ang Gabi ng Paglalakbay at Pag-akyat ng Propeta Muhammad.

Ngunit nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang holiday na ito ay ipagdiriwang lamang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang mga lugar.

Hindi aniya ito isang national holiday kundi isang Muslim holiday lamang sa BARMM at iba pang lugar na sakop ng Muslim Code o tinukoy bilang Muslim areas.



Gayunman, ipinunto ni Bersamin na ang mga Muslim na nasa mga lugar kung saan hindi idineklara ang holiday, tulad ng National Capital Region (NCR) o Metro Manila, ay pinapayagang lumiban sa trabaho sa nasabing araw. (Gilbert Perdez)