Advertisers
SA nakalipas na pagdinig ng Camara de Representante kung saan dumalo ang mga resource person ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nagkaroon ng komprontasi sina Kin. Dan Fernandez, Kin. Rufus Rodriguez at Kin. Rodente Marcoleta. Hindi ko masisi si Cong. Dan sa pagtaas niya ng boses niya sa dalawa, lalo na si Marcoleta, na tila kinatigan pa ang mga tsino nang matuklasan na ang mahigit sa 60% ng pagmamay-ari ng NGCP ay nasa State Grid ! Corporation of China (SGCC)!
Bagay ito na ikinaalarma ng mga mambabatas, dahil kahit hindi aminin ng SGCC, may kakayahan ang pulahang tsina na patayin ang kuryente ng bansa! Hindi kukuwestiyunin ng inyong bang lingkod ang katapatan ng mga mambabatas tulad ni Rodriguez at Marcoleta. Ngunit ang istilo nila upang malipat ng atensyon sa kanila at hindi sa isyu ay lubos nang nakakangawit. Ayaw kong isipin na ginagawa nila ang mga ito upang itulak ang isang pro-china policy. Dahil kapag nangyari iyon aba, hindi titigil ang maliit na peryodistang ito na isiwalat ang kalansaan nila! Totoo nagbabago ang estilo ng pandigma.
At napatunayan ito ng pulahang tsina sa paggamit ng mga makabagong kasangkapan at sandata tulad ng mga drones at mapping devices tulad ng LIDAR mapping. Ang huli kong nabanggit ay bahagi ng pinaigting nilang “asymmetric warfare” kung saan gumagamit sila ng LIDAR o Light Detection and Ranging na ayon sa Google ay isa itong uri ng remote sensing na sa pamamagitan ng ilaw ng laser, nasusukat ang hugis at layo
Tulad ito ng ginamit ni Yuan Quing Deng, ang espiya ng pla, na nadakip noong nakaraang linggo habang gumamit ng LIDAR, upang sukatin ang lupain sa loob ng mga kampo ng katihan. Sa maikli, hindi nagustuhan si Cong Dan sa ipinamalas ni marcoleta at Rodriguez na kilalang mga Duterte supporters. Tuloy ang dating sa inyong abang lingkod, kumbaga sa sabong kinakampihan ng sentensyador may ari ng pato, upang manalo ito sa derby.
Kaya hindi masisisi si Cong Dan kung bakit nito na-shampoo ang peluka ni Marcoleta.
***
NAKAUWI na sa wakas ang mga tripulanteng dinukot ng mga Houthi rebels sa Somalia. Ito amg magandang balitang tumambad sa inyong abang lingkod noong Biyernes. Nakapanayam ko sa Saturday News Forum si Usec Eduardo de Vera ng Department of Foreign Affairs, na nabigay salaysay sa inyong abang lingkod tungkol sa halos isa’t kalahating taong pagkabihag nsa mga marinong mamalakaya ng mga Houthi.
Alam kong nagbukas na parang pritil ang emosyon ng mga tripulante at kanilang mga mahal sa buhay matapos maharap sila sa ganitong krisis. Alam ng inyong abang lingkod at naiintindihan ito. Pero pakiusap lang po. Sana hindi mahagip ng ng simbuyo ng mga emosyon ang ating mga taga DFA. Dapat manatili silang ” in control,” upang kami, mga mamamahayag, ay hindi sumasailalim sa parehong emosyon. Napupuna po ng inyong abang lingkod na umayos na ang kalakaran at ginagawa ng ating mga lingkod bayan.
At bilang mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon,hindi mainam na ito ang maging impresyon sa inyo ng taumbayan. Iwasan po natin maging mga “drama queen.” Maging propesyonal kayo. Kasihan nawa kayong lahat ni Poong Kabunian. Mabuhay kayo!!!
***
PALAPIT na ang midterm elections at ang mga nais manilbihan bilang lingkod bayan ay nagsispagpilahan upang hingin ang inyong mga boto. Marahil may napulot tayong aral sa mga nagdaan na pulitiko; marahil magkaiba ang reaksyon, may natuwa at tinanggihan ng pala; subalit may mga botante, na, nadala ng matatamis na salita, umuwing luhaan at nagparang mga basahang itinapon matapos mapakinabangan. Nakikiusap ako, nagsusumamo.
Maging mapanuri na tayo. Napakaraming matitino na nais manilbihan. Sila ang mga dapat nating iluklok; ang mga tulad ni Heidi Mendoza, mga Chel Diokno, mga Bam Aquino na pinagpalit sa pangakong pilak at ginto, huwag na tayong mag atubili pa.
Maliwanag na sila ang karapat-dapat manungkulan. Huwag tayong maaliw sa dala-dala nilang sirko at salamangka. Huwag tayo madala sa matatamis na salita ng mga puta’t dalahira. Dahil sa pagputok ng araw kayo naman, ang uuwing luhaan.
Bilang panuldok, ibabahagi ko ang isang mensahe na nabasa ko sa social media: MALAPIT NA ANG HALALAN… SAAN KA SA TAMANG DAAN, O SA LIMANG DAAN?…
***
mackoyv@gmail.com