Advertisers
Tagumpay na nailigtas ng mga awtoridad ng 1-taong gulang na bata na hinostage ng sariling ama sa problemang pampamilya kagabi sa Taytay Rizal.
Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial director Col. Felipe Maraggun, ligtas na isinuko ng suspek (ama) na si Vin, 26-anyos ang anak at ang sarili kabilang ang kutsilyong gamit sa hostage.
Ito’y dahil umano sa pagiging expert ni Col. Maraggun, sa ganitong mga krisis payapang sumuko sa loob ng 3 oras na negosasyon ang suspek sa C-6 Road sa nabanggit na bayan.
Nakapiit na ng suspek sa detention cell ng pulisya at nahahara sa kasong paglabag sa RA9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2024).
Alarm and Scandal at illegal possession of Bladed Weapons, habang ligtas na naibalik ang bata na si alyas Athena sa kanyang ina o pamilya.