Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug personalities nang makuhan ng ng P 20.4 million halaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) habang nagsasagawa ng checkpoint operation sa Catbalogan City, Samar, Lunes ng hapon
Kinilala ang tatlong naaresto na sina alias Bertmark, Roper at Mamer, pawang taga-Libona, Bukidnon.
Ayon kay BGen Eleazar Pepito Matta, direktor ng PNP Highway Patrol Group, 4:40 ng hapon nang masabat ng mga elemento ng Regional Highway Patrol Unit 8 Western Samar ang mga suspek sa Maharlika Highway, Catbalogan City.
Nagsasagawa ng anti-carnapping operation ang mga otoridad nang sitahin ang mga suspek na sakay ng Mazda pick-up truck (LAO 7898) dahil sa pag-gamit ng unauthorized improvised plate number at seatbelt violation.
Habang nagsagawa na ng verification ang mga otoridad, ang nasa-bing sasakyan ay galing ng Las Pinas City at patungo sa Bukidnon, Mindanao. Napasin ng mga otoridad ang 1 sa mga suspek na may inilagay na isang heat sealed transparent ng shabu sa isang bag. Sa pagsisiyasat, natuklasan ang 3 package na nakabalot sa kulay yellow packing tape na naglalaman ng shabu.
Sa isinagawang inspection sa tulong ng K9 unit, nadiskubre ng mga otoridad ang 3 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P20.4 million.(Mark obleada)