Advertisers
BINABAKBAKAN ngayon ni Atty. Vic Rodriguez ang dati niyang amo na nagpayaman sa kanya, si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.
Hinahamon ni Vic si PBBM na magpa-drug test, para raw matapos na ang isyu sa huli na isa itong adik sa iligal na droga, tulad ng ipinagsisigawan ni dating pangulo Rody “Digong: Duterte na “bangag” si PBBM.
Sagot naman ni PBBM, hindi niya papatulan ang hamon ni Vic. Tulad din ng ginawa noon ni Digong na dedma lang sa mga hamon na drug test.
Say ni PBBM, bakit ngayon lang ito ipinagsisigawan ni Vic e matagal itong nagtrabaho sa kanya? Dahil aniya ito nasa kampo na ng Dutertes si Vic at gusto makakuha ng atensyon dahil kandidato ito sa pagka-senador. Mismo!
Si Vic Rodriguez ay matagal naging staff ni PBBM. Naging spokesman niya ito, campaign manager noong 2022 election at executive secretary ng ilang buwan.
Umalis si Vic sa kampo ni Marcos Jr. dahil narin sa mga isyu tulad ng pagtalaga ng mga opisyal na wala namang kakayahan at pinagkakitaan lamang daw, korapsyon sa Department of Agriculture (DA), pagbulsa kuno ng campaign funds noong 2022 election, at marami pa. Pinasinungalingan naman niya ito.
Say ni Vic, ang rason ng kanyang pagtiwalag sa administrasyong Marcos ay dahil hindi na aniya kaya ang nangyayaring korapsyon. Ipinipilit daw sa kanya italaga ang mga tao na wala namang kakayahan tulad ng sa PCSO, PAGCOR, Civil Service Commission (CSC), etc…
***
Binaril naman ni Atty. Luke Espiritu, isang labor leader at kandidato rin sa pagka-senador, ang mga hamon na drug test ni Vic Rodriguez kay PBBM. Isa raw itong “Duterte mentality”.
Ginagamit lang aniya ni Rodriguez ang isyu ng labanan ng Marcos at Duterte. Hindi aniya ito ang problema ng bansa. Ang problema ng bansa ay ang kawalan ng trabaho ng marami, mababang sahod ng mga manggagawa, political dynasty, at grabeng korapsyon. Mismo!
Ang mga problemang ito ang dapat latagan ng plataporma ni Vic, hindi ang away ng mga “adik” na dati at kasalukuyang presidente. Animal!
Between Vic Rodriguez at Luke Espiritu, may kridibol at may integridad itong si Luke. Bakit?
Matagal nagtrabaho kay Marcos si Vic. Alam niya palang “adik” ang kanyang amo bakit nagserbisyo siya rito ng matagal na panahon?
Ang totoo niyan, kaya kumalas si Vic kay PBBM ay dahil nabuking ang kanyang mga kalolokan noong campaign period at pagtalaga niya ng mga tao sa gabinete. Peks man!
Mabait parin itong si PBBM dahil hindi niya isinisiwalat sa publiko ang mga kasalanan sa kanya ni Vic Rodriguez.
Sagot nga ni PBBM sa hamon ni Vic na magpa-drug test: “Siya nalang ang magpa-drug test”.
Huwag bibitiw!!!