Advertisers

Advertisers

2 Most wanted persons timbog sa Valenzuela

0 45

Advertisers

Kulong ang dalawang katao na nakatala bilang most wanted persons, kabilang ang 37-anyos na babae nang madakip sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban at PNP-DEG NCR ang joint manhunt operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa 23-anyos na lalaking akusado 11:00 ng umaga sa Generoso St., Tomas Manuel Subdivision, Brgy., Karuhatan.

Pinosasan ang akusado ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Pairing Judge Lilia Mercedes Encarnacion Aquino Gepty ng Regional Trial Court, Branch 171, Valenzuela City, noong January 31, 2025 para sa paglabag sa Article II, Sections 11 at 12 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Nauna rito, nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police ang 37-anyos na babaeng staff accountant na residente ng Bulacan sa manhunt operation 3:00 ng hapon.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Nena Juaban Santos, ng RTC Branch 171, Valenzuela City noong December 15, 2022, para sa seven counts ng Qualified Theft in relation to Cybercrime (RA 10175).

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Valenzuela Citu Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.(Beth Samson)