Advertisers
ARESTADO ang isang pulis na iniuugnay sa 2009 Maguindanao massacre, noong Lunes sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.
Kinilala ni Maguindanao del Norte police chief Colonel Eleuterio Ricardo Jr. ang nadakip na si Police Officer 1 Datu Nor Kadir, 48 anyos, tubong Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Norte.
Sa bisa ng warrant na arrest na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa Quezon City, nahuli ang suspek hapon noong Pebrero 3, 2025 nang bumisita sa kanyang kaanak sa Barangay Making sa Parang
Nahaharap si Kadir sa 56 bilang ng pagpatay kaugnay ng 2009 Maguindanao Massacre, isa sa pinakamadugo na pag-atake sa mga mamamahayag sa kasaysayan.
Nagresulta ang masaker, na inayos ni Datu Unsay Ampatuan Jr., sa pagpatay sa 60 indibidwal, kabilang ang 32 mamamahayag.
Pinuri ni Ricardo ang mga operating unit sa matagumpay at mapayapang pag-aresto sa suspek.
Naglaan ang gobyerno ng P250,000 pabuya para sa impormasyon o pagkahuli sa mga suspek sa masaker sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Nobyembre 2009.