Advertisers
NAUWI sa away ang pagsita ng traffic enforcer sa isang rider na dumaan sa “one-way” traffic flow sa Cagayan de Oro. Ang rider, nanuntok at nanghampas pa ng helmet.
Sa ulat, makikita sa video na pinara ng tauhan ng Roads and Traffic Administration (RTA) ang rider na may angkas na babae.
Tumigil naman ang rider pero bumaba ito sa motorsiklo at sinuntok ang traffic enforcer. Pilit namang umaawat ang kasama niyang babae.
Sumaklolo narin ang isa pang traffic enforcer at doon na nagtanggal ng helmet ang rider at inihampas sa mga enforcer.
Patuloy pa ang komosyon nang dumating ang mga pulis para awatin ang kaguluhan.
Pinaalalahanan ng RTA ang kanilang mga kasamahan na sundin ang kanilang pagpapatupad ng kanilang tungkulin.