Advertisers

Advertisers

Libreng miryenda, ipinamahagi ng Konsehal ng QC

0 8

Advertisers

Nagbibigay ng libreng ‘meryenda’ sa kanilang mga nasasakupan ang konsehal ng Quezon City na asawa ng Congresswoman din ng kanyang distrito.

Sinabi sa ulat na namamahagi ng ‘libreng meryenda’ si Sixth District (Tandang Sora) Councilor Banjo Pilar, kung may libreng oras siyang makasama ang kanyang mga nasasakupan.

“Sa maliit na bagay na ito, nakakadaupang palad natin sila. Nalaman pa natin ang kanilang mga kinakailangan,” ayon kay Councilor Pilar.



“Ano ang kulang na serbisyo na ‘di naibibigay ng kanilang barangay,” sinabi ni Pilar sa sumulat.

Sinabi pa ng Konsehal, na ang meryenda tulad ng ‘puto’ isang simpleng token na kanyang paraan ng pagtulong sa kanyang mga nasasakupan.

“Gusto natin kahit sa maliit na bagay makatulong tayo sa ating mga constituent,” ani Pilar.

Si Pilar, na ang asawa ni Congresswoman Marivic Co-Pilar (Tandang Sora District House of Representative member) na nagsilbing sa kanyang ‘point man’ sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng ‘guarantee letter’ (GL) para sa kanilang mga medikal na pangangailangan.

Kaugnay nito maliban dito, nagbibigay din si Pilar ng tulong medikal at pinansyal, wheelchairs at bluetooth speakers sa mga fitness buff na mahilig magsagawa ng zumba bilang kanilang pang-araw-araw na ehersisyo.



Nabatid na ginagawa ito ng Councilor Pilar sa kanyang pag-iikot sa mga barangay upang magbigay tulong sa mga nangangailangan na mga constituent.

Samantala, nagbibigay din siya ng regular na rasyon ng tatlo hanggang limang kilo ng bigas sa mga opisyal ng ‘toda’ (tricycle organizations), senior citizens groups, at iba pang mga asosasyon ng District VI. Si Pilar ay nagbabalik para sa kanyang ikalawang termino bilang isang alderman habang ang kanyang asawa ay isa ring re-electionist na tumatakbong walang kalaban-laban sa Congressional race para sa distrito.(Boy Celario)