Advertisers
Umatras si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa kanyang pagktabo sa pagka-senador sa 2025 elections dahil sa kakulangan umano ng makinarya at kahandaan o oras sa pagktabo sa mataas na posisyon.
Sa kabila nito, tiniyak ng mambabatas na patuloy niyang pagsisilbihan ang kanyang kapwa Pilipino kahit na matapos na ang termino sa Kongreso. Ipagpapatuloy rin niya ang laban para sa libreng gamot at pagpapagamot, pati na ang pagtataguyod ng murang pagkain para sa lahat. (CESAR MORALES)