Advertisers
Nadawi ang driver ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng tambangan ng mga motoristang salarin sa Barangay Kalawag 2 sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Lunes ng hapon.
Sa pahayag nitong Martes ni Lt. Col. Julius Malcontento, Isulan municipal police chief, agad na namatay si Jose Dasalla, 51 anyos, sanhi ng mga tama ng bala na tinamo sa naturang pananambang.
Sa ulat, naglalakad si Dasalla sa gilid ng highway sa Barangay Kalawag 2 sa Isulan ng tabihan ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at agad na pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Si Dasalla, residente ng Barangay Tual sa President Quirino sa Sultan Kudarat, driver sa tanggapan sa Sultan Kudarat ng DPWH.
Ayon kay Malcontento, may mga tinututukan na silang anggulo sa pagpatay kay Dasalla at nagtutulungan ang kanilang mga imbestigador at mga local executives sa pagkilala sa mga pumatay sa kanya.