Advertisers

Advertisers

ENTRAPMENT OPERATION NG CIDG, 2 PATAY SA MIYEMBRO NG HOLD-UP GROUP SA RIZAL!

0 43

Advertisers

Dalawang SUSPEK na miyembro umano ng “robbery hold-up group” ang patay sa engkwentro ng CIDG habang arestado ang isa sa Angono Rizal.

Sa inisyal na ulat ng CIDG-Provincial Field Unit, nangyari ang engkwentro dakong 12:25 ng tanghali sa isang resort sa Sitio Sakura, Brgy. Mahabang Parang sa nabanggit na bayan.

Nauna rito, nakatakdang i-entrap ng CIDG ang mga suspek sa pambibiktima sa mga on-line seller ng mga alahas.



Nang makatunog ang 3 suspek na arestuhin sila ng awtoridad kaya’t nakipagbarilan ang mga ito na ikinasawi ng 2 at ikinadakip ng kasama nilang si Patrick Almazan 25-anyos ng Manuela Subd., Bulacan. (Edwin Moreno)