Advertisers

Advertisers

NBI sa pagsampa ng kaso vs VP Sara: ‘NO ONE IS ABOVE THE LAW!’

0 26

Advertisers

“No one is above the law”. Ito ang binigyang diin ni NBI Diretor Judge jaime Santiago nitong Huwebes matapos silang maghain ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang diin ni Santiago na ang paghahain nila ng reklamo laban kay VP Sara ay hindi dahil sa kanyang posisyon kundi dahil aniya may nagawang krimen.

“At ito pong kaso na ipinataw, isinampa namin laban kay Vice President, that was filed not because she is a Vice President. That was filed because she committed a crime,” ayon pakay Santiago.



Inisyu ni Santiago ang pahayag nang hingan ng komento sa akusasyon ni dating presidnetial legal counsel Salvador panelo na hinaharas ng NBI ang VP.

Giit ni Santiago, neutral, impartal at apolitical ang NBI.

Nitong Miyerules lamang naghain sa DoJ ng reklamong inciting to sedition at grave threaths ang NBI laabn kay Sara kaugnay sa kanyang naging banta kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady at House Speaker.(Jocelyn Domenden)