Advertisers

Advertisers

4 magsasaka niratrat: 2 patay, 2 grabe

0 51

Advertisers

NASAWI ang 2 magsasaka at 2 ang sugatan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Sitio Pagbahan, Barangay Alacaak, Sta. Cruz, Occidental Mindoro nitong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon, dinukot ang apat na magsasaka 11:00 ng gabi.

Kaagad nasawi sina Clempoy Barrientos at Rustom Bayan, 47 anyos, aktibong miyembro ng CAFGU at Katasan Farmers Association.



Sugatan naman sina Jorly Maximo, 43; at Salvador Bang-asan, 61, na miyembro rin ng Katasan Farmers Association.

Ayon sa pulisya, nagpapahinga ang mga biktima sa kubo malapit sa Pagbahan River nang dukutin ng tatlong armadong lalaki na nakasuot ng mga bonnet.

Dinala ang mga biktima malapit sa Pagbahan bridge, pinadapa at pinagbabaril.

Nagawang makatakbo nina Maximo at Bang-asan pero pinagbabarili parin sila. Sumaklolo ang ilang residente nang marinig ang putukan at naitakbo sa ospital ang 2 biktima.

Ayon kay Captain Aldrin Tividad, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, away sa lupa ang motibo sa krimen.



Sa ulat, mga petitioner ang dalawang nasawi sa pinag-aawayang 55 ektaryang lupain sa Sta. Cruz.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Occidental Mindoro PNP para tumutok sa kaso.