Advertisers
NATAGPUANG patay ang isang doktor sa loob ng kotse sa Naga City sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Dr. Rajean Monette Romualdez, kabilang sa medical personnel ng Bicol Medical Center sa Naga City sa Camarines Sur.
Sinabi ng Naga City Police na may tama ng bala si Dr. Romualdez sa kanyang ulo nang matagpuan sa loob ng isang sasakyan sa Barangay Concepcion Pequeña na nakaparada sa gilid ng kalye sa lungsod nitong Linggo, February 16, 2025
Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente.