Advertisers
NANINIWALA ang Commission on Election (Comelec) na bawal ang ano mang uri ng ayuda na manggagaliing mula sa mga kandidato dahil isang uri ito ng vote buying at ipinagbabawal ito ng batas.
Sinabi ni Atty. Jan Ale Fajardo Election Officer lV Comelec QC mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng Ayuda ng mga elected official na kinabibilangan ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation), 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), Tupad (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa kanilang mga constituents.
Sa ginanap na QC Journalist Forum sa QC City Hall kanina Pebrero 18 (Martes) sinabi ni Fajardo na ang pagbibigay ng ayuda ngayon panahon ng election ay isang form ng vote buying at labag sa batas.
โAny form of vote buying para paboran ang isang kandidato ay labag sa batas at mahigpit na ipinagbabawalโ sabi ni Fajardo.
Ayon pa kay Pajardo na sa inilunsad na kampaya ng Comelec na Kontra Bigay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng lahat ng uri ng ayuda paa bigyan ngpabor ang isang kandidato.
Kaugnay nito sinabi ni Police Col. Roman Arugay, Deputy District Director ng Quezon City Police District aabot sa 29 katao at 30 armas ang nakumpiska ng mga tauhan ng QC pulis mula January 12 hanggang February 18 kaugnay ng ipinatutupad na election ban para sa May 12 miderm election ngayong 2025.
Nabatid pa kay Arugay, na dalawa sa nahulihan ng baril ay sa isinasagawang checkpoint at ang 28 armas ay mga ginamit ng mga suspek sa krimen.
Sinabi ni Arugay na nasa green category naman ngayon ang QC o walang risk at threat sa lungsod kaugnay ng nalalapit na halalan.
Pabor din ang QCPD sa citizenโs arrest laban sa mga kandidato na maaaktuhang lumalabag sa kampanya ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa vote-buying at vote-selling dagdag pa ni Col. Arugay.(Boy Celario)