Advertisers
DINAKIP ang78-anyos na lalaki nang gahasain ang sariling apo sa Antipolo, Rizal.
Ayon sa ulat, makailang ulit hinalay ng lolo ang kani-yang 18-anyos na apo magmula pa 15-anyos pa lamang ito. Sangkot din ang tiyuhin ng biktima na napag-alamang pinagsasalitan daw ang panghahalay sa kanilang apo at pamangkin.
Sinubukan daw ng biktima na magsumbong sa kaniyang lola ngunit hindi raw ito pinakinggan ng huli, kung kaya’t sa malayong kamag-anak humingi ng tulong ang dalaga upang mahuli ang lolo at tiyuhin.
Depensa naman ng lolo ng biktima, pinagalitan daw niya ang biktima dahil sa umano’y nawawalang pera, kaya ito raw ang dahilan kung kaya ginawan daw siya nito ng mga alegasyon.
Samantala, tinutugis na ng pulisya ang tiyuhin ng biktima na kasalukuyan nang nagtatago.