Advertisers
UMISKOR si Cade Cunningham ng 38 points upang tulungan ang bisitang Detroit Pistons sa kanilang season-best sixth straight game, 148-143 wagi laban sa Atlanta Hawks Linggo ng gabi sa Indianapolis.
Ang laro ay tabla sa 135-all oras 2:35 at limang beses nagpalitan ng lamang hanggang umiskor si Dennis Schroder ng three-point play para ilagay ang Pistons sa 142-140 abante sa 33 segundong nalalabi. Nailayo pa ng Detroit ng umiskor si Malik Beasley two free throws sa 23 segundong natitira.
Schroder, na dating Hawk, ay umiskor ng 16 points, pinakamalaki niya simula umanib sa Pistons sa trade deadline.Beasley nagdagdag ng 24 points at sinahugan pa ng anim na 3-pointers sa reserve role.
Dahil sa panalo umangat ang Detroit sa 3-1 lead sa season series, nakatiyak ng tiebreaker, at nabigyan ang Pistons ng five-game lead laban sa Hawks sa Eastern Conference. Tumibay ang kapit ng Detroit sa No.6 at ang Atlanta ay nalaglag sa No.6 sa kanilang third straight loss.
The Pistons shot a season-high 59.1 percent from the field and matched their season high with 20 3-pointers.
Sa panig ng Atlanta, Trae Young umiskor ng 38 points at 13 assists.Iyon ay pang 17th time na nalagpasan ni Young ang 30-point mark ngayon season at makamit ang 33rd double-double.
Off the bench, Georges Niang umiskor ng a season-high 27 points at pinatayan ang kanyang career high na seven 3-pointers. Dyson Daniels nagdagdag ng 24 points at four steals.