Advertisers

Advertisers

Himala: Pinoy na pari nakaligtas sa plane crash

0 7

Advertisers

NAKALIGTAS ang paring Pilipino na si Fr. Joal Bernales at ang iba pang pasahero sa pagsadsad at pagbaligtad ng eroplano ng Delta sa Pearson Airport sa Toronto, Canada.

Si Fr. Bernales ay isang pari mula sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. Joseph sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Ayon sa kaniya, sa isang panayam, mabilis ang naging pangyayari at kahit pa naganap ang insidente, nananatili parin ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa loob ng bumagsak na eroplano.



Sa ulat, may 80 katao ang sakay ng eroplano nang sumadsad ito sa madulas na runway na dulot ng niyebe.

Sumiklab ang apoy sa eroplano at bumaligtad bago tuluyang huminto nang nakataob. Nawalan din ito ng buntot at isang pakpak.

Nakaligtas ang lahat ng sakay at may mga nasugatan ng minor injuries.

“For me, it’s really a miracle. I would see everything in the perspective, of course, of faith, in God’s eyes,” ani Fr. Bernales.

Naniniwala rin siyang may misyon pa silang dapat tapusin.



“You know, my reflection is that, yeah, we still have a mission in life to finish, because all of us is in the hand of God.

“I think all of us, the 80 passengers and crew, still have a mission in life to finish in God’s time, God’s purpose,” dagdag pa ng Pinoy priest.