Advertisers

Advertisers

Nat’l Aquathlon at Duathlon Championships kasado na

0 13

Advertisers

KASADO na ang lahat para sa parating na National Age Group Aquathlon at Duathlon Championships ngayon weekend sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Cavite.

Ang aquathlon event ay nakatakda sa Marso 1 at ang duathlon ay gaganapin kinabukasan.

Susubukan ni Merry Joy Trupa na masungkit ang kampeonato habang si Marion Kim Mangrobang ay hindi kasali sa tournament na inorganisa ng Triathlon Philippines na pinamumunuan ni Tom Carrasco.



Trupa ay nagwagi ng silver medal habang si Mangrobang ay nagkasya sa bronze medal sa 2025 Asia Triathlon Duathlon Championships sa Manama, Bahrain nakaraang Linggo.

Tinapos ni Trupa ang 5km run-30km bike-5km run sa 1:29:16, sa likuran ni Chinese Ziqing Lu (1:28:24).

Mangrobang ay three-time champion sa triathlon at back-to-back gold medalist sa duathlon sa SEA Games.

Pinamunuan niya ang women’s Elite, Under 23 at Junior squad na kabilang si Raven Faith Alcoseba, Kira Ellis, Erika Nicole Burgos, Lady Samantha Jhunace Corpuz at Katrina Salazar.

Ang men’s Elite at Under 23 team ay binubuo nina Filipino-Spanish Fernando Casares, Andrew Kim Remolino, Matthew Justine Hermosa, Joshua Alexander Ramos, Iñaki Emil Lorbes, Juan Miguel Tayag at Juan Francisco Baniqued, habang ang Junior Elite roster ay kabilang sina Dayshaun Karl Ramos, Darell Johnson Bada, Euan Arrow Ramos at Peter Sancho del Rosario.



SEA Games double-gold medalist John Leerams Chicano pamumunuan ang men’s duathlon team. kasama niya sina Maynard Pecson, John Patrick Ciron, Irienold Reig Jr. at Franklin Yee.

Kasama ni Trupa sa women’s team ay sina Jena Valdez at Bea Marie Quiambao.

Dinomina nina Remolino at Burgos ang National Age Group Aquathlon sa parehong venue nakaraang taon.