Advertisers
Inaresto ang isang emplayado ng National Police Commission (Napolcom) ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pangongotong sa isang Police Major kapalit ng pag-aayos ng kaso kinakaharap ng huli sa Napolcom sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City.
Kinilala ni MGen Nicolas Torre III ang inaresto sa alias Noel na nakatalaga sa Installation Logistics Service (ILS) Napolcom Central Office.
Ayon kay Torre, 1:10 ng hapon ng isinagawa ang entrapment operation ng pinagsanbi na elemento ng CIDG National Capital Region Field Unit, PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) at Napoocm sa PNP Mortuary Camp Crame, Quezon City.
Isinagawa ang operasyon batay sa reklamo ng ex-Major kaugnay ng panghihingi ng P20,000 kapalit ng pag-aayos at paglalakad ng kanyang apela sa kasong isinanpa sa Commission.
Sinabi ni Torre na nagpakilalang ang suspek sa complainant bilang isang dating Police officer at nagtra-trabaho sa Napolcom at kanya nito pabilisin ang pagpapalabas ng desisyon sa kanyang apela sa kaso. Isinaad din ng suspek na malakas ang kanyang koneksyon sa ilang mga maimpluwesniya tao tulad ni Atty. Alexis Canonisado, former Napoloc Commissioner na malaki ang maitutulong sa upang mapalibis ang pagpapalabas ng desisyon sa kaso.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Article 315 (Estafa) of the Revised Penal Code) for obtaining money thru deceit; RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) sa pag-abuso sa kanyang posisyon at RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) for engaging in corrupt practices detrimental to the public interest.(Mark Obleada)