Advertisers
PINAIGTING ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay at monitoring nito sa maraming produkto na mabibili ng mga Pilipinong konsyumer online.
Kung saan tiniyak ng naturang kagawaran na seryoso umano sila sa ginagawang paghihigpit sapagkat anila, kasalukuyan ay kadalasang ginagamit na ng publiko ang mga e-commerce platforms.
Sinabi mismo ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque, malakas kasi magpasahanggang ngayon ang online-shopping na aniya’y nag-umpisa noong pandemya.
Dagdag pa niya, kamakailan lamang ay ikinasa ang isang pagpupulong kasama ang mga malalaking kumpanya ng e-commerce platforms upang iparating na ang kagawaran ay nababahala na sa mga produktong agarang nabibili online.
Dahil dito, ipinagmalaki ng naturang kalihim na day-to-day basis ang kanilang isinasagawang pagmo-monitor para sa kanilang pagtutok sa mga produkto online.
Ngunit, babala naman ni Secretary Roque na dapat ay hindi lamang ang kagawaran ang kumikilos bagkus hinimok niya ang publiko na maging mapanuri at maingat din sa mga binibili.