Advertisers

Advertisers

Away sa lalaki: Policewoman, bulagta sa kabaro

0 49

Advertisers

Napatay ng isang policewoman gamit ang kanyang service pistol ang kapwa policewoman sa Barangay Biaba Damag sa Marawi City sa Lanao del Sur nitong Huwebes ng hapin, February 27, 2025.

Sa mga hiwalay na ulat ng Marawi City Police Office at the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang napatay na si Patrolwoman Amerah Mamayandug, residente ng Barangay Making sa Parang, Maguindanao del Norte.

Ayon sa mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office, ang nakapatay kay Mamayandug, Patrolwoman Sittie Johainiah Langgay, taga Balindong, Lanao del Sur.



Ayon sa mga kakilala, “selos” diumano o alitan hinggil sa isang lalaki, ang pinag-ugatan ng away ng dalawang policewoman.

Unang narinig na nagtalo ang dalawa bago umalingawngaw ang putok sa kapaligiran.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga lokal na kinauukulan, binaril ni Langgay sa dibdib si Mamayandug na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakaganti naman ng putok si Mamayandug kaya nagtamo din ng tama ng bala si Langgay at naisugod din sa pagamutan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">