Advertisers
NAKAMIT ni Joshua Alexander Ramos ang kampeonato sa Standard Men Elite ng National Age Group Aquathlon 2025 sa Ayala-Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite Sabado.
Ang 23-year-old na miyembro ng Baguio Benguet Triathlon club ay may oras na 31 minutes at 19 seconds sa 1km-swim at 5km-run kumpetisyon.
“I joined this tournament to test my fitness and I’m glad I won,” Wika ni Ramos, second-year marketing management student sa University of Baguio.
Nakaraang taon, runner-up siya sa Cebuano Kim Andrew Remolino sa karera na covered lang ang 500 meters (swim) at 2.5 km. (run).
Hindo sumali sina Remolino at Matthew Hermosa dahil sa Private Schools Athletic Association (PRISAA) regional qualifying.
“Even if they are not here, I can say that I gave my best,” Sambit ni Ramos, na nagwagi ng four medals sa swimming – two golds (400m at 1500 freestyle), one silver (4x200m freestyle), at one bronze (4×100 freestyle) sa 2024 PRISAA National Games sa Legazpi City, Albay.
Iñaki Emil Lorbes nagrehistro ng 31:28 para magtapos second sa kabila ng may dinaramdam na right ankle injury na kanyang natamo dalawang Linggo ang nakaraan sa training. Irienold Reig Jr. (32:12) ang third.
Samantala, nadepensahan ni Erika Nicole Burgos ang women’s title sa oras na 34 minutes at 17 seconds para magwagi laban kay Wan Ting ng Singapore (35:01) at Lady Samantha Jhunace Corpuz (35:50).
“The course is difficult, it’s exhausting,” Wika ni Burgos ng Tanauan, Batangas.
“I’ll do my best to win (in the National),” Tugon ni Burgos, na nagwagi ng gold medal sa 2023 Asian Duathlon Championships sa New Clark City Sports Complex.