Advertisers
SUSPENDIDO ang face-to-face classes simula bukas hanggang Huwebes, Marso 5 at 6, 2025 sa lahat antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay, ayon sa Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano batay sa rekomendasyon ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang mga paaralan ay maaaring gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo batay sa kakayanan ng paaralan at mga mag-aaral.
Ang suspensyon ng face to face classes ay bunsod ng inaasahang pagtaas ng heat index sa susunod na dalawang araw. Ang pagtaas ng heat index ay pasok sa kategoryang yellow-orange alert na nangangahulugan ng “extreme caution.”
Pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga mag-aaral na manatiling hydrated, uminom ng maraming tubig, magsuot ng maninipis o preskong damit, at huwwag munang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. (JOJO SADIWA)