Advertisers

Advertisers

Harry Roque sisibat pa-US pero naharang sa Japan – BI

0 16

Advertisers

Ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) na nagtangka sanang tumakas patungong United States (US) si dating Presidential Spokesperson Harry Roque subalit nabigo ito matapos maharang sa Japan airport.



“Meron po kaming alam na pumunta rin siya ng Japan and ‘di po siya nakaalis, supposedly bound for US pero denied check-in,” pahayag ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan matapos tanungin ni Senadora Risa Hontiveros hinggil sa kinaroonan ni Roque, sa pagdinig ng Senado nitong Martes.

“So, wala rin naman hong holdings ang Japan police or Japan immigration then after that wala pa rin po kaming information,” dagdag pa niya.

Bago ito, sinabi ni Hontiveros na may natanggap siyang impormasyon na lumipad si Roque patungong Shanghai, China mula Dubai noong Disyembre 8, 2024. Nagtagal lang umano si Roque sa Shanghai ng isang araw at pumunta naman sa Macau.

Sagot naman ni Manahan, “Meron po kaming information pero walang validated truth na nag-enter siya ng China.”

Nauna nang sinabi ng BI na maaaring lumabas na ng bansa si Roque sa pamamagitan ng iligal na pamamaraan.

Nasangkot si Roque sa qualified human trafficking case laban kay against Cassandra Li Ong at maraming iba pa kaugnay ng iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub, Lucky South 99 Corp.

Inilagay sa immigration lookout si Roque noong Oktubre 2024.