Advertisers

Advertisers

Immigration oobligahin na i-update ang Kongreso sa deportation ng POGO bosses at workers

0 7

Advertisers

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat obligahin ang Bureau of Immigration (BI) na mag-report sa Kongreso ng update sa deportation activities ng mga worker ng Philippine Offshore Gaming Operations.

Dahil dito kaya’t maghahain siya ng resolusyon hinggil dito sa susunod na linggo.

Ayon kay Gatchalian, dapat himukin ang BI na maging transparent sa lahat ng kanilang deportees.



Mahalaga anya na ireport ng BI sa Kongreso kung ano ang nangyari sa deportation activities

Ipinunto pa ng Senador na mahalagang maging transparent ang ahensya sa lahat ng kanilang mga deportees at gawing mandato na ang pagbibigay ng report sa mga deportation activities.