Advertisers

Advertisers

Pangangalap ng pirma para simulan ang impeachment trial kay VP Sara, karapatan ng publiko – Sen. Pimentel

0 67

Advertisers

MARIING iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na karapatan ng publiko at ng iba’t ibang sektor na kumilos para maiparating ang kanilang posisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Pimentel matapos ilunsad ng iba’t ibang religious groups at sectoral representatives ang People’s Impeachment Movement para ipakita na may clamor sa Senado para magconvene na bilang impeachment court at para agad ng masimulan ang paglilitis laban sa Bise Presidente.

Ayon kay Pimentel, maaari namang gumawa ng ganitong hakbangin ang publiko.



Una rito, sinabi ni Senator Pimentel na kung suportado ng mga constituent ng mga kongresista ang kanilang isinumite na impeachment case laban kay VP Sara, dapat na ihayag nila ito.

Pero inihayag ni Senate President Chiz Escudero na hindi siya makukumbinsi na lumabag sa batas kahit pa makakalap ng isang milyong lagda ang binuo na people’s impeachment movement.