Advertisers

Advertisers

PBBM ipinag-utos agarang imbestigasyon sa pagbagsak ng FA-50 fighter jets ng PAF

0 4

Advertisers

LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkasawi ng dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) dahil sa pagbagsak ng dalawang FA-50 fighter jets sa Bukidnon.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ipinag-utos na ni Pangulong Marcos ang agarang imbestigasyon sa pagbagsak ng mga aircraft.

Nais aniyang malaman ng Pangulo ang sanhi ng insidente kung ano ang solusyon para hindi na ito maulit.



Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Pangulo sa mga kaanak ng nasawi.

Sa ngayon ay pansamantalang grounded ang lahat ng FA-50 fighter jets habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philip-pine Air Force sa insi-dente. (Vanz Fernandez)