Advertisers
SA wakas nabigyan ng pagkakataon ang big-time prospect na si Carl Jammes Martin na ipakita ang kanyang fighting skills sa worl’s boxing Mecca sa Las Vegas kapag nakalaban ang pambato ng Columbia Jose Sanmartin sa Marso 22 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.
Matapos gulpihin ang kanyang unang dalawang nakalaban sa Mexico nakaraang taon,ang 25-year-old warrior mula sa lagawe,Ifugao ay sasabak sa non-title super bantamweight 10-round bout na magpatibay sa kanyang bid para sa potensyal title eliminator opportunity sa susunod.
“I am so thrilled to be fighting in Las Vegas, Nevada. When I was a little boy, I grew up watching some of the greatest fighters in boxing history all showcasing their talents in Las Vegas. I watched many Manny Pacquiao fights out there, and now I’m fighting in Las Vegas,” Wika ni Martin.
“This is a dream come true.”
Binugbog ni Martin si Anthony Jimenez Salas via second round technical knockout nakaraang Setyembre sumunod ang December victory laban kay Ruben Tostado Garcia via fifth round technical knockout nakaraang Disyembre parehong sa Mexico upang manateling undefeated sa 25 fights na may 20 knockouts.
Ipinahayag ni International matchmaker Sean Gibbons, at president rin ng Manny Pacquiao’s MP Promotions, ang kanyang all-out support sa kampanya ni Martin ngayon taon na maging world title bago matapos ang huling bahagi ng 2025.
Ang Barranquilla, Colombia fighter, ay nakalaban na ang ilang top boxers tulad nina dating World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Emmanuel Navarrete at Elijah Pierce.
Sanmartin, taglay ang 35-9-1-loss-draw rekord na may 21 knockouts.