Advertisers

Advertisers

Mag-utol lasog sa bumulusok na dyip sa bangin

0 7

Advertisers

Nasawi ang dalawang magkapatid na minero at 12 ang sugatan nang mahulog ang sinasakyan jeepney sa bangin sa Barangay Bulbulala, Licuan-Baay, Abra noong Martes, Marso 11.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas Jun at Mac .

Ayon kay Police Capt. Christopher B. Abbacan, nawalan ng preno ang jeepney na may 18 sakay, kasama ang drayber, habang bumababa sa palikong kalsada at nahulog sa bangin, kung saan ito bumaligtad.



Labing-apat ang nasugatan, habang apat na pasahero ang hindi nasaktan.

Papasok sana sa trabaho ang mga biktima nang mangyari ang insidente. Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga nasugatan.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga drayber na laging suriin nang maayos ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe para sa kaligtasan ng lahat. (Boy Celario)