Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ITINUTURING ni Arci Munoz ang K-pop super group na BTS bilang isa sa mga inspirasyon niya sa buhay.
Ayon sa aktres, napakalaki ng impluwensiya ng South Korean boy group hindi lamang sa kanyang showbiz career kundi maging sa kanyang personal life.
At sa grabeng paghanga niya sa BTS, talagang gumagastos siya nang bonggang-bongga para mapanood ang grupo sa kanilang mga concert sa iba’t-ibang bansa. Idagdag pa ang mga binibili niyang merchandise ng BTS na super expensive.
Ito ang sinabi niya nang maka-chikahan namin siya sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Sinagtala, under Sinagtala Productions, kung saan makakasama niya ang mga Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano at Glaiza de Castro.
Ito’y mula sa direksyon ni Mike Sandejas at showing na sa mga sinehan simula sa April 2,20025.
Iikot ang kuwento ng “Sinagtala” sa isang banda na ang pangalan ay Sinagtala. Iisa-isahin sa pelikula ang mga hamon at pagsubok na pinagdaraanan ng bawat miyembro ng grupo.
Tinanong ang cast members ng nasabing pelikula kung ano ang mga kanta o themesong ng buhay nila sa ngayon.
At dahil nga isang certified Army si Arci, ang isinagot niya ay ang “Yet to Come (The Most Beautiful Moment)” ng BTS.
“’Kasi sila rin ang nagpapasaya sa akin. Maraming times talaga na sinave ako ng BTS.
“Tapos malapit na silang lumabas sa military (training, sa South Korea). So, hey, gastos! Ha-hahahaha!”sabi ni Arci na natatawa
Hirit pa niya, “Nagtatrabaho na po uli ako ngayon para may pambili ako ng ticket, may pambudol.
“Naniniwala ako na sa dami ng pinagdaanan ko, the best is yet to come and this is my year na magiging blockbuster ang Sinagtala”, sabi pa ng dalaga.
Inamin ni Arci na medyo nahirapan siyang gampanan ang role niya sa pelikula dahil bukod sa mabigat ang karakter ay malayung-malayo rin ito sa tunay na buhay
Na-touch din daw siya matapos mabasa ang script ng Sinagtala. “Konti lang po kasi ‘yung friends ko. ‘Yung mga kabanda ko, sila talaga ‘yung nag-stick talaga sa akin hanggang ngayon.
“Sa mga struggle ko sa buhay, ‘yung mga totoo kong kaibigan, sila talaga ‘yung mga tatakbuhan ko sa oras na parang walang-wala ka talaga,” sey pa ni Arci.
Samantala, nang matanong tungkol sa kanyang lovelife, ang sagot niya ay single pa rin siya hanggang ngayon.
Ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya ang pangarap na bumuo ng sariling pamilya at hindi naman daw siya sumusuko sa chance na makilala ang kanyang the one.
***
BONGGA si Niana Guerrero dahil naka-collab niya sa pagsasayaw si Lisa ng Blankpink, huh?
At mabilis na nakahakot ng milyon-milyong likes ang dance video ng dalawa.
Sa TikTok post ng content creator, makikita ang collab nila ni Lisa.
Game na game naman si Lisa na nakipagsabayan sa paghataw kay Niana.
“I think we just might,” sey ni Niana sa nasabing post.
Sina Niana at Lisa ay parehong sikat sa TikTok. Si Niana ay mayroon ng mahigit sa 45 milyong followers habang si Lisa ay may mahigit sa 21 milyong followers.