Advertisers

Advertisers

BOGUS NAMES NADAGDAGAN SA CONFI FUNDS NI VP SARA

0 12

Advertisers

ISINIWALAT pa ni House Deputy Majority Leader Francisco Paolo Ortega V ang mga pangalan ng pitong iba pang mga nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Kongresista mula sa lalawigan ng La Union na ilan sa mga pangalan na lumabas ay sina Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, Dodong S. Barok, Jay Kamote at Miggy Mango.

Sinabi ng mambabatas ang nasabing pagsiwalat niya ay maaring magamit sa impeachment ng Vice President.



Dagdag pa nito na nagsumite rin ang Department of Education (DepEd) na pinamunuan ng Bise Presidente noon at Office of the Vice President ng mga dokumento na mayroong maling petsa, pirma na walang pangalan at hindi mabasang mga pangalan para ma-justify ang pagpapalabas ng confidential funds noong 2022 at 2023.

Matatandaang unang lumabas ang pangalan na sina Mary Grace Piattos at Xiamoe Ocho na walang mga pangalan sa Philippine Statistics Authority.

Giit ni Ortega na hindi ito kapabayaan at maituturing na maingat na planong paglustay ng pondo ng gobyerno dahil sa peke ang pangalan, liquidation at pananagutan.

Ayon kay Ortega, tulad ng mga naunang kahina-hinalang pangalan, ang “Jay Kamote,” “Miggy Mango,” at ang limang “Dodong” ay wala ding rekord ng kapanganakan, kasal, o kamatayan sa Philippine Statistics Authority (PSA).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">