Advertisers

Advertisers

Ateneo, Adamson wagi sa 2R ng UAAP men’s volleyball

0 53

Advertisers

NANGIBABAW ang Ateneo de Manila University sa second round ng UAAP Season 87 men’s volleyball 25-16, 25-18, 25-21 wagi laban sa University of the Philippines (UP) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City Sabado.

Pinamunuan ni Amil Pacinio Jr. ang opensa ng Blue Eagles, sa iniskor na 17 points, kabilang ang three aces, para sa kanilang ika-limang panalo sa walong laban.

Kennedy Batas nagdagdag ng 14 points at 10 receptions habang si Jian Salarzon nagdagdag ng 10 points para sa Ateneo na nag improb sa third place sa likuran ng Far Eastern University (7-0)



UP at Adamson University ay tabla sa fifth place na may parehong 2-6.

University of Santo Tomas at De La Salle University ay tabla sa fourth na may parehong 4-3 rekords.

Daniel Nicolas at Tommy Castrodes pinangunahan ang Fighting Maroons sa insikor na 10 points, sumunod si Olayemi Raheem na may nine points.

Naputol ang four-game winning streak ng Adamson matapos manaig laban sa University of the East (UE) Red Warriors, 25-21, 23-25, 20-25, 25-17, 15-12.

“Hopefully, this is the start. Every team adjusted. It went to the fifth set because UE also made adjustments. Hopefully, we can continue winning,” Wika ni Adamson coach Raffy Mosuela.



Mark Leo Coguimbal pinamunuan ang Falcons sa iniskor na 17 points on 12 attacks at five blocks.

Jude Aguilar at Mark Paulino nagdagdag ng tig- 15 points,habang si Dan Gutierrez at Ricardo Obeda Jr. bumakas ng 14 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Axel Defeo nagdeliver ng game-high 22 points on 14 attacks at eight blocks para sa UE, habang rookie Raquim Aceron pomuste ng 20 points at 23 receptions.

Ang Red Warriors nanatIling winless sa eight games.