Advertisers
SINIBAK sa pwesto ang isang acting chief of police ng San Rafael, Bulacan nang ireklamo ng ‘harrasment’ ng stringer cameraman ng TV network, nang ipabura ang kuha nitong larawan sa ambush sa nabangit na bayan.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Regional Director, Brigadier General Jean S Fajardo, kinilala ang opisyal na si Lt.Col. Eisbon Llamasares.
Inaresto naman at sinampahan ng patong-patong na kaso si PSSG Mark Anthony Toledo, 31 anyos, nakatalaga sa Plaridel Police Station, makaraang makita sa CCTV ang pagkakasa ng kanyang service firearms, caliber 9mm, na loaded ng isang magazine na may 12 bala at iniabot sa isang sibilyan bago pinaputok sa loob ng pribadong resort sa Barangay Lumbac, Pulilan, Bulacan nitong Marso 22, 2025 ganap na 7:30 ng gabi.
Pinaghahanap narin ang sibilyan na nakitang nagpaputok ng baril, na nakilalang si Jan Ber dela Cruz ng Guiguinto, Bulacan.(Thony D. Arcenal)