Advertisers

Advertisers

4 pulis sugatan sa warrants ops

0 14

Advertisers

Sugatan ang apat na pulis sa barilan habang nagsisilbi ng warrants of arrest laban sa tatlong wanted sa Barangay Manggagawa, Quezon noong Biyernes ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan sina Police Chief Master Sgt. Crisologo Castillo, 44, ng Guinayangan police station; Police Executive Master Sgt. Alex Maigue at Police Staff Sgt. John James Red ng Police Regional Office 4-A Regional Intelligence Unit, at Police Chief Master Sgt. Jalmasco Enraca ng Bicol Regional Intelligence Division.



Ang mga suspek kinilalang sina Richard Rabe, Roy Aramillo, at Magno Rivera, na nahaharap sa murder cases.

Ang kanilang mga warrant na may petsang Jan. 20, 2023, ay ipinalabas ni Ligao City, Albay Regional Trial Court Branch 14 Presiding Judge Edwin Ma-Alat.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa mga suspek na tumakas sa engkwentro at kasalukuyang tinutugis.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang mga sugatang pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">