Advertisers

Advertisers

SA HALIP NA AYUDA, LIVELIHOOD AT TRABAHO PARA SA LONG TERM PLAN-AYON KAY ATTY. DIAZ!

0 9

Advertisers

Naniniwala si ‘Pamilya Ko Partylist’ 1st Nominee Atty. Anel Diaz, malaki ang tulong ng ayuda ng gobyerno lalo sa mga nabibilang sa LOVABLES.

Ngunit sa ‘Long Term Plan’ anya, dapat palakasin ang mga livelihood program at trabaho sa halip na umasa sa ayuda ng pamahalaan.

Ayon pa kay Atty. Diaz, sakali na palarin at maupo ang “Pamilya Ko Partylist” lalaanan nila ng malaking pondo ang kilalang Taytay wood work o trabaho ng kahoy at garment o panindang damit sa Taytay Rizal.



Ito’y para umano makaahon sa kahirapan ang ating mga kababayan sa halip na puro livelihood o ayuda.

Ayon kay ‘Pamilya Ko Partylist’ 2nd Nominee Miguel Kallos at Konsehal Arky Manning nag-ikot sila sa Brgy. Sta Ana Taytay at dito nila nakita ang mga problema.

Anila, sa lawak o laki ng problema na kinakaharap ng kanilang mga kababayan ay laging nariyan ang tulong ng ‘Pamilya Ko Partylist’.

Lalo na umano sa mga pamilyang nahaharap sa iba’t -ibang uri ng problema dagdag pa ang kakulangan sa edukasyon, ikalawa ang kakulangan umano ng trabaho at kalusugan.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng “Pamilya Ko Partylist” sa mainit na pangtanggap ng mga Rizaleñyo lalo na sa Taytay Rizal.



Ramdam din ng Pamilya Ko Partylist ang maalab na pangtanggap ng mga taytayeño ng salubungin sila ng matatamis na ngiti mula sa kalsada, pamilihang bayan at sa bawat tahanan.