Advertisers

Advertisers

17 OFWs pinalaya ng Qatari gov’t

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na pinalaya na ng Qatari government ang labimpitong Pilipinong nagsagawa ng political rally sa nasabing bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, nagpasalamat si DMW Sec. Hans Leo Cacdac sa pamahalaan ng Qatar.

Ginawa aniya ng Qatari government ang hakbang habang patuloy na iniimbestigahan ang pagsasagawa ng mga ito ng kilos-protesta matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.



Ayon kay Cacdac, unang pinalaya ang labindalawang lalaking Pinoy habang sunod namang pinalaya ang limang iba pa na pawang mga babae.

Sinabi ni Cacdac na pinatityak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng kaukulang tulong ang ating mga kababayan doon, kabilang ang legal assistance habang sinisiyasat ang nasabing kaso. (Gilbert Perdez)