Advertisers
KUMPLETO na ang core defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
Ito ay ayon sa Lead Legal Counsel ng dating pangulo na si Nicholas Kaufman, kung saan sinabi rin nito na hindi kabilang sa nasabing defense team si dating presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Atty. Kaufman, hindi maaaring makasama sa defense team ni Duterte si Atty. Roque dahil kasalukuyan itong humihirit ng political asylum sa The Netherlands.
Mariing nanindigan ang Lead Legal Counsel ng dating pangulo na ipaglalaban niya ito hanggang sa dulo.