Advertisers

Advertisers

TRABAHO buong-pusong bumabati kay Melai sa kaarawan nito

0 8

Advertisers

Ngayong Abril 6, binati ng TRABAHO party-list si Melai Cantiveros-Francisco na siyang tumatayong kampeon ng mga reporma ng grupo para sa sektor ng mga manggagawa.

Sa reel na kanilang inupload sa opisyal Facebook ng 106 TRABAHO Party List, ipinakita ang natural na pagiging kwela ni Cantiveros-Francisco sa kanyang pakikisalamuha sa publiko tuwing sila ay mga motorcade at bisita sa mga palengke.

Maging sa gabi bago ang kaarawan ng komedyante, makikitang game na game siyang nakikisayaw kasama ang mga nagtatrabaho sa Navotas Fisheries Port Complex.



“Walang arte” at “makamasa” rin daw si Cantiveros-Francisco na masayang nagpapaunlak na siya ay mayakap at mahalikan sa pisngi ng kanyang mga kapwa kababaihang humahanga sa kanya

Nakisalu-salo rin itong kumain ng naka-kamay kasama ang grupo at mga tindera sa Mutya ng Pasig Market.

Sa gitna umano ng lahat ng kasiyahan, kahanga-hanga rin daw determinasyon ni Cantiveros-Francisco na mabigyang oras na makaharap ang publiko nang tao-sa-tao dahil napakaimportante umano dito na aktwal na nakikilala at nakikita ng mga manggagawa ang kanilang iboboto at ang mga repormang kanilang binabalikat.

Ang TRABAHO partylist, bilang 106 sa balota, ay nagbabalikat ng mga reporma sa batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo at makatarungang mga kondisyon para sa lahat ng manggagawa, lalo na ang mga nasa laylayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">