Advertisers
Tinambangan ng mga armadong lalaki ang isang transport vehicle ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cavitex nitong Abril 7.
Ayon kay Parañaque Police chief PCol. Melvin Montante, nagmula sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang BJMP transport vehicle sakay ang Chinese national na si Su Hu Yang na may kasong carnapping.
Hinarang umano ang BJMP ng dalawang sasakyan, kung saan nagkaroon ng engkwentro at tinamaan sa balikat ang isang jail officer.
Naaresto naman ang dalawang Chinese at apat na Pilipinong suspek matapos bumangga ang isa sa mga getaway vehicle.
Lumabas sa imbestigasyon para sa layunin ng grupo na iligtas ang Chinese inmate na kasamahan nila sa isang sindikato ng kidnapping, carnapping, at gun running.
“The purpose of this extrication, para irescue nila itong suspek as their boss. Then the 4 Filipinos, nagamit lang and they will pay each after P25,000,” ayon kay Montante.
Samantala, nasa kustodiya na ng Parañaque City Police ang mga suspek at mahaharap sa kasong frustrated and attempted murder, illegal possession of firearms, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Omnibus Election Code.